Why I love the Dead Red Leaf by Su Layug (a prose-poem translated to Filipino)

Tags

, , , , , , , , , , , ,

Image

Copyright © 2013 Su Layug. All Rights Reserved.*

Kung Bakit Gusto Ko ang Patay na Dahong Pula (pagsasalin ng hango) ~ ni Su Layug

Ang Aspen, gamit ang pulido nitong tangkay,  ay ang prima donna ng sayaw na ito. Kahit na bago pa dumating ang pagwawalis ng bagyo, itinatago nito ang kaniyang mukha, tumatalikod upang ihantad ang pinilakang gulugod, na wari’y nagsasabi kay Kamatayan: wala akong nalalabing maibibigay sa iyo,.  Simutin mo man ang buhay kong maputla, kakapit at kakapit pa rin ako bilang kalansay sa aking Puno, sa aking Tadhana.  Sa kalaunang pagkahulog, minumulto ng Aspen ang mga yapakan ng kagubatan. Hindi lang ito basta nakatingala mula sa lupa. Makanti lamang ng hangin, umiiling ito na parang nagsasabi: “Hindi, hindi, hindi!” Wari’y hindi nito matanto o matanggap ang pagkawalang-saysay ng kaniyang tunggali. Ang Don Quixote ng kaharian ng mga dahon, sinasabak ng dahon ng Aspen ang apat na patalim ng windmill ng pagpapalit ng panahon. Ang dahon ng Aspen ay isang kaluluwang pampurgatoryo.

Why I Love the Dead Red Leaf (excerpt) ~ by Su Layug

The Aspen, with its dexterous petiole is the prima donna of this dance. Even before the purge by thunderstorms, it hides its face, shows its silvery back, as though to say to Death: I have nothing left for you to take. Scrape me of my pallid life, I will still cling as skeleton to my Tree, my Destiny. The Aspen leaf, eventually fallen, haunts the forest footpaths. It doesn’t just lie there. At the slightest touch of wind, its body quivers so, “No, no, no!” It doesn’t seem to realize nor accept the futility of its struggle. The Don Quixote of the foliage kingdom,the Aspen leaf fights the four-bladed windmill that is the turning of the season. The Aspen leaf is a purgatory soul.

The whole prose-poem can be read here: https://medium.com/no-category-for-this/bad76a37eb71

*reblogging/linking, as usual practice, is encouraged and permitted. If you have questions, you’re welcome to email or comment right below the title of the post. Thank you.

Advertisements

Two Moths (excerpt) ( Dalawang Gamugamo ) by Aimee Nezhukumatathil translated to Filipino by Su Layug

Tags

, , , , , , , , , , ,

Image

photo: http://www.flickr.com/photos/jkadavoor/5552747604/sizes/l/in/faves-95040014@N08/

Dalawang Gamugamo  (hango)

       

       May mga babae        sa kabilang dako ng planetang ito

 

                   ang hindi makakaalam         ng kagandahan

 

       ng lumakad      habang nakasuot ng sutlang saring krespon.      Kundi,

 

lilipas        ang mga araw nila                          na ang likod nila’y nakalapat

 

   para sa parada               ng mga lalaking          maituturing na nilang tiyuhin

 

       sa ibang buhay.  

 

Two Moths (excerpt)

 

      Some girls        on the other side of this planet

 

                   will never know        the loveliness

 

       of   walking      in a crepe silk sari.      Instead,

 

they will spend        their days                          on their backs

 

   for a parade               of   men           who could be       their uncles

 

       in another life.  

 

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.

The full, original poem in English can be read here: http://www.poetryfoundation.org/poetrymagazine/poem/246686#poem

Read the author’s extended bio here: http://aimeenez.net/extended-bio/

 

Aside

It is Marvelous to Wake Up Together (excerpt) ~ by Elizabeth Bishop, Translated to Tagalog/Filipino by Su Layug

Tags

, , , , , , , , ,

Image

photo: creative commons: flickr/Douglas R Witt

 

Kamangha-mangha ang Magising nang Magkasama

 

Kamangha-mangha ang magising nang magkasama
Sa mismong sandali; kamangha-manghang pakinggan
Ang ulan na bigla na lang bubuhos sa bubungan,
Ang madama ang biglang paglinaw ng hangin
Animo’y dinaanan ng kuryente
Na nagmula sa isang hinabing itim na mga linya sa langit.
Sumasagitsit sa buong bubungan ang ulan,
At sa ilalim nito, ang magaang na pagbagsak ng mga halik.

 

It is Marvelous to Wake Up Together (excerpt)

 

It is marvellous to wake up together
At the same minute; marvellous to hear
The rain begin suddenly all over the roof,
To feel the air suddenly clear
As if electricity had passed through it
From a black mesh of wires in the sky.
All over the roof the rain hisses,
And below, the light falling of kisses.

A copy of the full text of the English original can be read here: 

http://deareditorpoems.blogspot.com/2013/10/a-previously-unpublished-elizabeth.html

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.

Lament for Earthquake-Ruined Churches

Tags

Before the Oct. 15, 2013 earthquake: Interior of the Basilica de Sto. Nino in Cebu during a festival. (photo credit: Francisco M. Pajares, Jr. /Wikipedia)

Before the Oct. 15, 2013 earthquake: Interior of the Basilica de Sto. Nino in Cebu during a festival. (photo credit: Francisco M. Pajares, Jr. /Wikipedia)

Copyright © 2013 Su Layug. All Rights Reserved.*

Lament for Earthquake-Ruined Churches

Earthquakes are lullabies
to age-old stones, tired of standing
for God and man, tired
of echoing unheard cries
of children, tired
of lighting, weep-
letting candles
of crocodile*
tears

*crocodile is a Filipino folk symbol for corrupt politicians

Hinagpis Para sa mga Simbahang Nilindol
Lindol – isang hele-hele
para sa mga sinaunang bato
na pagod na sa katatayo
para sa Diyos at tao, pagod na
sa pag-alingawngaw
ng pag-iyak
ng mga bata, pagod na
sa pagpapatulo
ng kandilang luha
ng mga buwaya

An article on the ruined Philippine churches can be read here: http://elysplanet.com/2013/10/15/bohol-quake-damage-churche/

(On October 15, 2014, 8:12 A.M. the Central Visayas region of the Philippines was rocked by 7.2 M earthquake, killing and hurting people, damaging properties and destroying centuries-old churches. Roughly a month before, a social-media-powered movement, #MillionPeopleMarch, was started by ordinary netizens incensed by recently-exposed (alleged) widespread pork-barrel corruption by Philippine lawmakers and a person named Janet Napoles)

*You may reblog (icon upper left corner) or share using social media buttons below. Any other use, please email author or comment for permission.

“I’m Explaining a Few Things” by Pablo Neruda, English translation by Nathaniel Tarn

Tags

, , , , , , , , , , , , , ,

Image

Pinapaliwanag ko ang Ilang Mga Bagay 

~ni Pablo Neruda (salin sa Tagalog ni Su Layug mula sa Kastila at Inggles na salin ni Nathaniel Tarn)

At isang umaga ang lahat ng ito ay nasunog
Isang umaga ang mga sigâ
ay lumukso mula sa lupa
lumamon ng mga tao —
at magmula noon, apoy,
pulbura ng bala mula noon,
at magmula noon, dugo.
mga bandidong may mga eroplano at mga moro,
mga bandidong may titulo at mga padrinos,
mga bandidong kakampi ang may-suot-abito, na naghahagis ng biyaya
ang sumugod mula sa langit upang patayin ang mga bata
at ang dugo ng mga bata ay dumaloy sa mga kalsada
na animo’y walang anuman, gaya ng dugo ng mga bata.

 

I’m Explaining a Few Things

~ by Pablo Neruda, translated by Nathaniel Tarn

And one morning all that was burning,
one morning the bonfires
leapt out of the earth
devouring human beings —
and from then on fire,
gunpowder from then on,
and from then on blood.
Bandits with planes and Moors,
bandits with finger-rings and duchesses,
bandits with black friars spattering blessings
came through the sky to kill children
and the blood of children ran through the streets
without fuss, like children’s blood.

Full text of the English translation can be read here: http://www.poemhunter.com/poem/i-m-explaining-a-few-things/
A copy of the original Spanish poem can be read here: http://www.poemas-del-alma.com/pablo-neruda-explico-algunas-cosas.htm  

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.

About Forts

Tags

, , , , , , , , , , ,

Image

photo credit creative commons: flickr/Education Projects for Children of Sabah

 

Copyright © 2013 Su Layug. All Rights Reserved.*

Tungkol sa Mga Kuta

~ Su Layug

Sa awit tungkol sa mga kuta

na yari sa bato, may mga nakabitin

na mumunting kampanilya, hinulma sa apoy

at panata, na sinuot ng mga babaylan

upang magsumamo sa mga anito,

upang magsumamo ng paghilom

Mayroon bang ganoong awit?
 
Sa awit tungkol sa mga kuta

na gawa sa bukid, nililok ang mga punyal

mula sa alaala ng mga ninunong pinaslang

ng mga ganid sa lupa at tubig

na hindi kaninuman,

na para kaninuman

Nahan ang awit na iyon?
 
Sa awit tungkol sa mga kuta

na binuo ng mga tao, ang mga mukha’y lupain ng pighati

mga buhol ng tanikala’y mga kamay

mga hininga’y pinatid ng mga hari’t reynang

naglapastangan, nangdambong

sa Inangbayan, mga ate

Amangbayan, mga kuya,

Anakbayan, bunso

May mga naririnig akong umaawit

tawid- kuta, tawid-bundok.
 

About Forts

~ Su Layug

In a song about forts

made of rock, hang tiny bells fashioned

from brass tempered by fire

and faith,  worn by priestess warriors

to summon the spirits

to summon healing

Is there such a song?
 
In a song about forts

made of fields, battle knives are carved

from memories of ancestors killed

by the usurpers of land and water

that were no one’s

that were everyone’s

Where is that song?
 
In a song about forts

made of humans, faces are a landscape

of sorrow – chain of knots made of hands,

lives snuffed out by kings and queens

who raped and plundered

motherland, sisters

fatherland, brothers

children of the land

I hear people singing

across forts, across mountains
 
*You may reblog (icon upper left corner) or share using social media buttons below. Any other use, please email author or comment for permission.

Pagkatapos Magtalik sa Tagginaw (Translation) (After Making Love in Winter) ni Sharon Olds

Tags

, , , , , , , ,

Image

A reading of the original English poem can be heard here:

Nung una, hindi man lang ako makapagkumot,

lahat ay makirot, parang may yerong

inilatag sa aking mga ugat, nakahimlay lang

sa hangin na animo’y sumahimpapawid nang hindi tumitinag, Kapagdaka’y

lumamig din—uminit,

maligamgam, malamig, mala-yelo, hanggang

ang balat ng buong katawan ko ay nagyelo na nga

maliban sa mga parteng nagniig ang ating mga katawan, mga namukadkad

na apoy. Sa paligid ng pintong

mahina ang banghay,  at sa paligid ng trabisanyo, ang

liwanag mula sa pasilyo ay mala-tabla ang pagguhit, at

nakatutok sa kisame, mistulang

anyo ng mga brasong maligaya.

Sa salamin, mahinahon ang mga kanto ng silid, ito

ang oras na mamamasdan mong ang kanto mismo ay pinagpala

at ang madidilim na bola ng kandelabra

na nakabitin sa salamin ay walang tinag — Nadarama ko

ang aking mga obaryo sa kaibuturan ng aking katawan, Tinititigan ko

ang mga pinilakang bombilya, maaaring tinitingnan ko ang mga obaryo ko,

malinaw na lahat ng tinitingnan ko ay tunay

at maaya. Dumating na tayo sa dulo ng mga tanong,

pinasada mo ang iyong palad —mainit, malaki,

tuyo—sa mukha ko nang paulit-ulit, paulit-ulit, na parang si Bathalang

kinikinis ako bago ako

pababain, ipaluwal.

 

The original English poem can be read here:
https://www.poetryfoundation.org/poetrymagazine/browse?contentId=36723

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.

Tula ng Agila (Eagle Poem) by Joy Harjo, translated to Filipino by Su Layug

Tags

, , , , , , , , , , , , , ,

800px-Philippine_Eagle_in_Captivity

The Philippine Eagle in captivity, photo courtesy of scorpious18 on flickr via wikimedia.org under creative commons license

Sa pagsamba, binubuksan mo ang buong sarili
Sa langit, sa lupa, sa araw, sa buwan
Sa kabuuuan ng tinig na ikaw.
At batid pa rin na mayroon pang
Hindi mo nakikita, naririnig;
Hindi mo mababatid maliban sa mga sandaling
Lumalago, at sa mga wikang
Maaaring hindi tunog, kundi ibang
Ikot ng galaw.
Gaya ng agila nitong Linggong umaga
Sa Ilog ng Asin. Umikot sa langit na bughaw
Sa hangin, winalis-linis ang ating mga puso
ng kanyang mga sagradong pakpak.
Nakikita ka namin, nakikita namin ang sarili at nababatid naming
Kailangang pangalagaan nang puspusan
At pagbaitan ang lahat ng bagay.
Huminga nang malalim, sa kaalamang tayo ay binubuo ng
Lahat ng ito, at huminga, sa kaalamang
Tayo ay tunay na pinagpala sapagkat tayo’y
Ipinanganak, at tayo’y lilisan din sa loob ng
Tunay na pag-ikot,
Gaya ng agilang nililibot ang umaga
Ng ating kalooban.
Pinapanalangin natin na maisagawa ito
Sa kagandahan,
Sa kagandahan.

Original poem in English can be read here: http://www.poetryfoundation.org/poem/175881

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.

Aside

Naaalala Kita, Kung Paano Ka Noon ~ ni Pablo Neruda (salin mula sa Ingles ni Su Layug — na salin ni M.S. Merwin — at Kastila)

Tags

, , , , , , , , , , ,

neruda 2
 

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.

Naaalala kita, kung paano ka noong nakaraang taglagas.


Ikaw yung beret na abuhin at ang pusong mahinahon.


Sa mga mata mo, pilit na nagtatalo ang lagablab ng dapit-hapon.


At naglaglagan ang mga dahon sa tubig ng iyong kaluluwa


Nakakapit sa mga braso ko, animo’y gumagapang na halaman


Tinitipon ng mga dahon ang tinig mong malumanay.


Apoy ng pagkamangha, nagtutupok sa uhaw ko.


Hayasinta* —  bughaw, matamis na pulupot sa aking kaluluwa


Nadarama kong naglalakbay ang mga mata mo, lumipas na ang taglagas:


Abuhing beret, tinig ng ibon, tahanang puso,


Kung saan dumayo ang aking mga buntung-hininga


at ang aking mga halik, nagsilaglagan, maliliksing mga baga


Langit na dumaong. Patag ng bulubundok:


Ang alaala mo ay binubuo ng liwanag, ng usok, ng lawang walang-tinag!


Sa dako pa, lagpas sa iyong mga mata, lumalagablab ang takipsilim.


Mga tuyong dahon ng taglagas umiinog sa iyong kaluluwa.

*Hyasinta — nilikhang salita, paglalaro sa salitang “hyacinth” at “sinta”

 

 

Aside

“How to eat special halo-halo: A summer dilemma” by Jose F. Lacaba

Tags

, , , , , , , , , , , , , ,

a recording for https://soundcloud.com/groups/record-a-poem (a National Poetry Month 2013 project of the Poetry Foundation) of the Filipino poem: “Pagkain ng special halo-halo: Isang palaisipan sa tag-init” by Jose F. Lacaba

Image

Halu-halo is a Philippine dessert which literally means, “mixed” http://en.wikipedia.org/wiki/Halo-halo photo published under creative commons http://en.wikipedia.org/wiki/File:Halo_halo1.jpg


Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.

How to eat halo-halo:
A summer dilemma

By Jose F. Lacaba

From Sa Panahon ng Ligalig: Tula, Awit, Halaw (In the Time of Unrest: Poem, Song, Selection) (Anvil Publishing, 1991)

I said,
“how do you eat
special halo-halo?
Do you first eat
the heap of ice-cream
on top of the shaved
ice?
OR
do you first mix the ice cream
into the rest of it?

He said,
“What seems to be the problem?”

I said,
“If you first eat
the ice cream, what you eat next
won’t seem to be any different from
a regular halu-halo.
But, if you mix the ice-cream first
into the rest of it,
you would not
savor the full flavor
of the ice cream.”

He said,
“You worry about too many
things.
It’ll all be mixed
in your stomach.
Be thankful that you are
privileged enough
to eat special halu-halo.”

The original Tagalog poem, pubished w/permission by the poet:

Pagkain ng special halo-halo:
Isang palaisipan sa tag-init

ni Jose F. Lacaba

Mula sa Sa Panahon ng Ligalig: Tula, Awit, Halaw (Anvil Publishing, 1991)

’Ika ko,
“Paano ba kinakain
ang special halo-halo?
Inuuna ba
ang tumpok ng sorbetes
sa ibabaw ng kinaskas
na yelo?
O
inihahalo muna ang sorbetes
at saka kinakain?”

’Ika niya,
“Ano ba ang problema?”

’Ika ko,
“Kung sorbetes
ang una mong uupakan,
ang isusunod mo’y
wala yatang pagkakaiba
sa regular halo-halo.
Kung ang sorbetes naman
ay ihahalo mo muna,
hindi mo
mananamnam nang husto
ang sorbetes.”

‘Ika niya,
“Kung ano-ano
ang pinoproblema mo.
Maghahalo din iyan
sa tiyan.
Pasalamat ka’t nakakakain ka
ng special halo-halo.”

Information about the author can be found here: http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Pete_Lacaba