Tags
Filipino, Filipino poem, Filipino translation, Forts, million people march, Peace, Philippines, song, Tagalog poem, Tagalog translation, War, Zamboanga
photo credit creative commons: flickr/Education Projects for Children of Sabah
Copyright © 2013 Su Layug. All Rights Reserved.*
Tungkol sa Mga Kuta
~ Su Layug
Sa awit tungkol sa mga kuta
na yari sa bato, may mga nakabitin
na mumunting kampanilya, hinulma sa apoy
at panata, na sinuot ng mga babaylan
upang magsumamo sa mga anito,
upang magsumamo ng paghilom
Mayroon bang ganoong awit?
Sa awit tungkol sa mga kuta
na gawa sa bukid, nililok ang mga punyal
mula sa alaala ng mga ninunong pinaslang
ng mga ganid sa lupa at tubig
na hindi kaninuman,
na para kaninuman
Nahan ang awit na iyon?
Sa awit tungkol sa mga kuta
na binuo ng mga tao, ang mga mukha’y lupain ng pighati
mga buhol ng tanikala’y mga kamay
mga hininga’y pinatid ng mga hari’t reynang
naglapastangan, nangdambong
sa Inangbayan, mga ate
Amangbayan, mga kuya,
Anakbayan, bunso
May mga naririnig akong umaawit
tawid- kuta, tawid-bundok.
About Forts
~ Su Layug
In a song about forts
made of rock, hang tiny bells fashioned
from brass tempered by fire
and faith, worn by priestess warriors
to summon the spirits
to summon healing
Is there such a song?
In a song about forts
made of fields, battle knives are carved
from memories of ancestors killed
by the usurpers of land and water
that were no one’s
that were everyone’s
Where is that song?
In a song about forts
made of humans, faces are a landscape
of sorrow – chain of knots made of hands,
lives snuffed out by kings and queens
who raped and plundered
motherland, sisters
fatherland, brothers
children of the land
I hear people singing
across forts, across mountains
*You may reblog (icon upper left corner) or share using social media buttons below. Any other use, please email author or comment for permission.