Tags

, , , , , , , , , , , , , ,

800px-Philippine_Eagle_in_Captivity

The Philippine Eagle in captivity, photo courtesy of scorpious18 on flickr via wikimedia.org under creative commons license

Sa pagsamba, binubuksan mo ang buong sarili
Sa langit, sa lupa, sa araw, sa buwan
Sa kabuuuan ng tinig na ikaw.
At batid pa rin na mayroon pang
Hindi mo nakikita, naririnig;
Hindi mo mababatid maliban sa mga sandaling
Lumalago, at sa mga wikang
Maaaring hindi tunog, kundi ibang
Ikot ng galaw.
Gaya ng agila nitong Linggong umaga
Sa Ilog ng Asin. Umikot sa langit na bughaw
Sa hangin, winalis-linis ang ating mga puso
ng kanyang mga sagradong pakpak.
Nakikita ka namin, nakikita namin ang sarili at nababatid naming
Kailangang pangalagaan nang puspusan
At pagbaitan ang lahat ng bagay.
Huminga nang malalim, sa kaalamang tayo ay binubuo ng
Lahat ng ito, at huminga, sa kaalamang
Tayo ay tunay na pinagpala sapagkat tayo’y
Ipinanganak, at tayo’y lilisan din sa loob ng
Tunay na pag-ikot,
Gaya ng agilang nililibot ang umaga
Ng ating kalooban.
Pinapanalangin natin na maisagawa ito
Sa kagandahan,
Sa kagandahan.

Original poem in English can be read here: http://www.poetryfoundation.org/poem/175881

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.

Advertisements